Saturday, February 21, 2009

Bagong Balangkas ng Pamamahala: Bagong Kabanata Para sa ating Parokya


Noong nakaraang mga buwan, ang Parokya ng Last Supper of Our lord ay dumaan sa isang malaking pagbabago. Ito ay ang pagkakaroon ng isang bagong sistema ng pamamahala nito. Malamang marami sa atin ay ngayon lamang nakaalam sa pagbabagong ito, o matagal nang nakakaalam ngunit hindi binibigyan ng halaga, o dili kaya’y may mga agam-agam na gumugulo sa ating isipan. Dito sa artikulong ito malalaman natin ang kuwento sa likod ng mga pagbabago at kung ano ang mga mahalagang nilalaman nito.

Ayon kay Bro. Ed Manalo, ang pinuno ng Formation and Planning Council, dati ay may dalawang konseho na siyang humahawak sa ibat-ibang gawain sa parokya, at parehong nasa ilalim ng pamumuno ng Kura Paroko. Ito ay ang Parish Pastoral Council (or PPP) at ang Finance Council (FP). Ang PPC ang siyang namamahala sa halos lahat ng mga gawain ng parokya, katulad ng pagpaplano ng mga proyekto at formations, pamamahala sa mga pangunahing ministry katulad ng Social Services at Temporalities sa pamamagitan ng WESTY, gayon din sa mga fund-raising activities. Samantala, ang FC ang siyang nakaatang sa mga aspetong pampinansyal ng parokya. Ito din ang tumutulong sa PPC sa pagpapagawa ng mga fund-raising actitivies. Ang nasabing balangkas ay ginamit noong panahon na ang Las Piñas at iba pang mga bayan sa timog, kamaynilaan ay nasa pamamahala pa ng Arsobispo ng Maynila.

Ang bagong sistema nga pamamahala na kasalukuyang ginagamit ng ating parokya ay nabuo ayon sa resolusyong nagawa noong Diocesan Pastoral Assembly ng Diyosesis ng Parañaque noong Pebrero 2005, na kung saan
Napagdesisyunan na ang responsibilidad sa ibat-ibang gawaing pang simbahan ay paghati-hatian ng tatlong grupo o yong tinatawag na Tripartite Councils. Ngunit ang panahong ginugol sa pagpapatupad ng bagong balangkas na ito ay magkakaiba sa bawat parokya at kumunidad na nasasakup ng diyosesis. Katunayan nito noon lamang Hulyo ng kasalukuyang taon tuluyang naipatupad ng ating parokya ang pagbabagong ito.

Ang Bagong Balangkas

Ang resulta ng pagsasaayos ng sistema ng pamamahala sa ating parokya ay ang pagkakaroon ng “tripartite councils” kung saan ang mga pangunahing responsibilidad ng parokya ay nahati at ibinigay sa tatlong konseho. Ito ay ang Planning and Formation Council, ang Implementing Council at and Administrative and Financing Council. Ang tatlong ito ay nasa ilalim pa rin ng pamumuno ng kura-Paroko. Bagama’t magkakaugnay ang tatlong grupong ito, ang bawat isa ay nakatuon sa kani-kanilang sariling Gawain para sa parokya.

Sa pangalan pa lang ng Planning and Formation Council, alam natin na ang pinakagawain nito ay ang pagbuo ng mga plano at direktiba na naaayon sa mga patakarang nakapaloob sa DPA (Diocesan Pastoral Assembly) Acts and resolutions, at ng mga galling sa Diyosesis ng Paranaque. Pangunahin din sakanilang Gawain ay nakatuon sa pagpapatupad ng “formation programs” para sa mga Priority Commissions. Samantala, ang Implementing Council, ay nahahati sa apat na bahagi: ang mga Priority Commissions (na kasalukuyang binunuo ng anim na komisyon- Youth, family, BEC and New evangelization, human Promotions, Cathechesis and Religious Education, at ang Liturgy, Worship and Popular Religiosity.
Ang parokya ay maaring magdagdag ng bagong komisyon kung kinakailangan), mga sub-Parish Council/s ( mga komunidad tulad ng mga subdibisyon), Basic Ecclesial Communities, mga Espesyal na Sektor (halimbawa ay ang mga eskwelahan, grupo ng mga negosyante, at iba pa), at mga Church Organizations.

Ang huling bahagi ay ang Administrative and Finance Council, na siyang humahawak sa aspetong pinansyal, mga kagamitan at mga tauhan sa simbahan katulad ng sekretarya, receptionists, cooks, kasambahay at security guards.

Ang mga pagbabago sa ating parokya, katulad ng mga kumpanya, ay isang paraan upang lalong mapaayos at mapaganda ang kalidad ng serbisyo sa lahat ng nasasakop ng parokya. Kaya ang sulating ito ay magsilbi sanang munting gabay at paalala na nadiyan ang Parokya ng Last Supper of Our lord upang magsilbi sa kanyang nasasakupang pamayanan.
Ni: Irving Pentecoste

No comments:

Post a Comment